Tila pinatawa na naman ni Luis Manzano ang kaniyang mga followers nang ipost niya ang kaniyang yearbook kalakip ang "wise words" niya.

Sa Instagram, inupload ni Luis ang kaniyang yearbook kung saan mababasa ang kaniyang "wise words."

"Life and nature are two things needed in our everyday life. Life needs nature; while nature also needs life. It is like a cycle that happens everyday maybe we didn't yet notice it, but it happens all day and night," nakasulat sa yearbook.

Sey ni Luis, huwag daw kalimutan ang mga wise words niya, "As we are given a new day, never forget my wise words… now you know. Pwede rin po ipatattoo sa likod ninyo."

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

Sa comment section, nagbigay pa siya ng trivia na mas nagpahalakhak sa mga followers niya.

"Ito trivia , nung chess club pa ako, lumaban ako sa 8 na tao sabay sabay pa yun na speed chess pa, talo ako sa lahat."

Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang naturang post.