Namahagi ang Office of the Vice President-Disaster Operation Center ng sako-sakong bigas sa mga nasalanta ng baha sa Lanao del Norte at Eastern Samar.

Ibinahagi ito ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Enero 20. Aniya, namigay sila ng 500 sako ng bigas sa Lanao del Norte habang 300 sako ng bigas naman sa probinsya ng Eastern Samar.

"Sa Lanao del Norte, umabot ng 440 sakong bigas ang binigay natin sa bayan ng Tubod na tinanggap ni Mayor Dionisio Cabahug Jr. para sa 2,200 apektadong residente," ani Duterte.

"Sa bayan ng Baroy, animnapung sakong bigas ang dala natin para sa 300 pamilya. Tinanggap ito ni Mayor Grelina Lim. Sa probinsya ng Eastern Samar, naibigay natin ang 300 sakong bigas para sa 2,822 apektadong pamilya. Ito ay tinanggap ni Provincial Administrator Nelson Cortez," dagdag pa niya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ang pagbaha sa nasabing mga probinsya ay sanhi ng low pressure areas, shear line, at Northeast Monsoon o Amihan mula pa noong Enero 2.

Ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), walong rehiyon pa rin ang apektado ng pagbaha, partikular na ang Central Luzon, Mimaropa, Bicol Region, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region at BARMM.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/01/20/287-lugar-sa-bansa-baha-pa-rin/