Hinimok ng Caritas Philippines ang gobyerno na magbigay ng karagdagang suporta sa mga magsasaka sa gitna ng pagsirit ng presyo ng sibuyas sa merkado.

Ito ang pahayag ng humanitarian and advocacy arm ng Simbahang Katoliko matapos sumirit na sa P500 hanggang P720 kada kilo ang mga presyo ng lokal na pulang sibuyas habang ang mga lokal na puting sibuyas ay nasa P600.

“The government should provide financial incentives or subsidies to help our farmers grow more onions and lower the cost of production,” ani Caritas Philippines President Bishop Jose Colin Bagaforo sa isang pahayag kamakailan.

“This will make them more competitive with producers from other countries who are already receiving large subsidies and other forms of support from their government,” dagdag niya.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Binigyang-diin din ni Bagaforo ang kahalagahan ng pagtatayo ng mga kinakailangang pasilidad upang mapabuti ang produktibidad ng mga magsasaka.

“Another thing that can be looked into is infrastructural investments that would improve the productivity and efficiency of onion farms,” aniya.

“More cold storage facilities should be established to lessen the cost surplus of our farmers and meet the rising demand for agricultural products in the market,” dagdag niya.

Sa panig nito, nangako ang Caritas Philippines na patuloy na magbibigay ng tulong sa mga magsasaka.

“Caritas Philippines is helping more than a hundred farmers’ organizations at present through various initiatives like provision of farm inputs, capacity development, market linkage, social enterprise development, and savings mobilization,” sabi nito.

Analou de Vera