Limang pinaghihinalaang miyembro ng isang sindikato ang nadakip matapos maharang ng mga awtoridad ang ₱5.5 milyong halaga ng puslit na sigarilyo na sakay ng kanilang bangka sa Zamboanga City nitong Sabado ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang mga naaresto na sina Saham Sahisa, 40; Nasri Hussam, 40; Alnasri Mawadi, 25; Usman Samla, 51; at Alkimar Mijan, 25, pawang taga-Barangay Arena Blanco, Zamboanga City.
Paliwanag ni Western Mindanao-Area Police Command operations chief, Col. Richard Verceles, nasabat ang limang suspek habang lunan ng bangka sa Brgy. Tigtabon, dakong 6:32 ng umaga.
Sa pahayag naman ni Zamboanga City Police Office chief, Col. Alexander Lorenzo, nakatanggap sila ng impormasyong idini-deliver ng isang bangka ang mga puslit na sigarilyo sa naturang lungsod.
Sinabi ng pulisya, galing ng Jolo, Sulu ang kargamentong nasa kustodiya na ng Bureau of Customs.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaso laban kina Sahisa, Hussam, Mawadi, Samla, at Mijan.
Philippine News Agency
ReplyForward