Matapos ibahagi ni Chito Miranda ang lumalaban ngayon na si Gab Chee Kee, ang gitarista at isa sa founding members ng “Parokya ni Edgar,” agad na bumuhos ang suporta ng mga kaibigan at fans.
Una nang isiniwalat ni Chito ang laban ni Gab sa sakit na lymphoma sa isang mahabang social media post noong Miyerkules.
Pagbabahagi ni Chito, na-diagnose ng nabanggit na sakit ang matagal nang kaibigan, noong huling bahagi ng 2022.
“Despite his situation, he was relatively doing ok, and thought it would be best not to let everyone know what he was going through, because he didn't want anyone worrying about him,” mababasa sa post ni Chito dahilan din ng patuloy noon na pagtugtog ng banda kasama ang gitarista.
Nang lumaon gayunpaman, sunod na inabisuhan na ng kaniyang doktor si Gab na magpahinga at itigil muna ang pagsabak sa mga gig.
Dito na sunod na tumugtog ang banda nang wala ang gitarista na bagaman ayaw ni Chito ay naging hiling ni Gab sa kanila.
“We owe it to Gab, and more importantly, to everyone na patuloy na sumusuporta sa Parokya, to continue playing,” pagpapatuloy ni Chito.
Nasa intensive care unit (ICU) si Gab, higit isang linggo na ang lumipas, ayon pa rin sa update ng bokalista.
Dahil dito, napagpasyahan na ng pamilya ni Gab, mga kaibigan, at kasamahan sa industriya na magsama-sama na para sa ilang fundraising event para sa laban gitarista.
“Matinding laban to for Gab...at reresbakan natin sya, ” saad ni Chito.
Kabilang na sa mga nakilahok sa mga fundraising shows sina Ebe Dancel, ang Kamikazee, Gloc9, Shanti Dope,Flow G, Gracenote, sa December Avenue, POT, Razorback, Moonstar, Ben&Ben, at si Moira Dela Torre.
Agad namang bumuhos ang tulong sa mga donation channel na ibinahagi ni Chito. Napuno rin agad ang G-cash limit ni Gab dahil sa nag-umapaw na suporta ng mga kaibigan at fans.
“Salamat sa lahat ng nag-donate!!! Sobrang salamat talaga,” ani Chito.
Samantala, maari pang magpaabot ng suporta para sa laban ni Gab sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:
BPI 2816006235
Gabriel Ignatius Chee Kee
Paypal: @chitomirandajr
Alfonso Miranda
Ang "Parokya ni Edgar" na nabuo noong 1993 ay kilala sa mga hit songs na “Halaga,” “Harana,” “Gitara,” “Buloy,” “Your Song,” bukod sa maraming iba pa.