Ilang oras bago ang inaabangang anniversary concert ni Toni Gonzaga ngayong Biyernes, pakana ng mga dating tagasuporta ng TV personality ang #PaalamToniGonzaga sa Twitter. Ilang netizens pa ang na-confuse!

Ilang Twitter users ang nagpa-trend sa topic na #PaalamToniGonzaga, hapon ng Biyernes bago ang concert nito sa Araneta Coliseum.

Tampok sa diskusyon ng mga ito ang kuwento ng dating fans ng aktres, singer at brand endorser na ngayo’y tinalikuran nila dahil sa sari-saring dahilan, ngunit partikular na ang politikal na paniniwala nito.

Matatandaan ang tinamasang pambabatikos na natanggap noon ni Toni kasunod ng hayagang pagsuporta sa tumatakbo pa lang noon na si President Bongbong Marcos Jr.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Basahin: Benta ng concert ticket ni Toni, matumal? Mommy Pinty, naispatang bumibili raw ng bultuhang tiket – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Narito ang ilan sa tweets kaugnay ng trending topic.

https://twitter.com/theduhmp/status/1616348336361197569

https://twitter.com/giopotes/status/1615973385913368576

https://twitter.com/trixxmola/status/1616346986340548610

https://twitter.com/xken21x/status/1616346767871873027

https://twitter.com/eugeneequebec/status/1616346864793845762

https://twitter.com/Bela022010/status/1616327718651715586

https://twitter.com/ariesbejer/status/1616304241290932224

https://twitter.com/ewallpapermona/status/1616328188082388999

https://twitter.com/arvinpls/status/1616307966076149760

https://twitter.com/nosetra_/status/1616333557848477696

Samantala, ilang Twitter users naman ang nagtaka sa trending topic. Paglilinaw naman ng iba, hindi nategi ang aktres, bagkus ay pagtatapos ng pagsuporta ng dating avid fans kay Toni G.

https://twitter.com/anaandme1901/status/1616344397804867586

https://twitter.com/lenirobredoo11/status/1616352381956149250

https://twitter.com/yuuutaaa_rawr/status/1616350711893331969

Sa kaniyang Instagram story ngayong Biyernes, makikitang winelcome na si Toni sa Araneta Coliseum para sa kaniyang 20th anniversary ngayong gabi.

Toni Gonzaga, Instagram story

Good luck, Toni G!