Nasa bansa ngayon si Miss Earth 2022 Mina Sue Choi para sa pag-arangkada ng kaniyang reign.

Ito ang tampok sa latest update ng organisasyon ngayong Biyernes matapos salubungin ang beauty queen ng ilang Pinoy fans sa airport.

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Noong Nobyembre 2022 nang koronahan si Mina bilang unang Korean national para sa isa sa Big 4 international crowns kahanay ng Miss Univere, Miss World at Miss International.

Basahin: Mina Sue Choi, 24, ng South Korea, kinoronahang Miss Earth 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Mananatili sa Pilipinas si Mina hanggang sa pagtatapos ng buwan.

Sa pag-uulat, wala pang ibinahaging aktibidad ang Miss Earth para sa opisyal na pagsisimula ni Mina ng kaniyang reign.