'Believe that you have received it, and it will be yours.'

Karamihan sa atin itinuturing ang Friday the 13th na malas ngunit sa isang Facebook post ng isang CPA lawyer at professor na si Rodolfo Nicolas, kasama ang kaniyang kaibigan, ito ay naging araw ng pagbabahagi ng kabutihan.

Kuwento ni Nicolas sa kaniyang Facebook post, niyaya niya ang kaniyang kaibigan na si Julz Sebastian na kumain sa LaCreperie sa Shangri-la Plaza Mall noong Enero 13.

Napag-usapan aniya nila yung mga plano nila ngayong 2023.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Makikita sa kaniyang larawan ang isang babaeng nag-iisa sa kabilang table. Ayon kay Nicolas, tila nakikinig sa kanila yung babae dahil pangiti-ngiti umano ito sa kanila habang nag-uusap sila ni Sebastian.

Tanong ng kaibigan niya, "attorney, paano ba magmanifest ng mabilis? Papaano mo ba siya ginagawa? Bakit ang dali mong magawa at maattract at mamanifest?”

Agad naman niya itong sinagot, "sa Bible kasi, sa Mark 11:24 ata iyun may nakalagay na if you ask in prayer, believe that YOU HAVE RECEIVED IT, and it will be yours."

Nang matapos ang kanilang pagkukwentuhan ng kaibigan, hiningi na nila yung bill doon sa waitress. Laking gulat umano nila na binayaran na umano ito nung ‘di kilalang babae.

May iniabot na table napkin ang waitress sa kanila at may nakasulat na Bible verse mula sa Proverbs 11:25 na nagsasabing: "Your presence blessed me today. 🙂 Proverbs 11:25. I hope you pass on the kindness. God bless."

"Marahil habang pinapayuhan ko si Julz na kaibigan ko tungkol sa buhay, may nakikinig sa paligid namin. Isa na doon si Ate Ghorl," kuwento niya sa Balita.

"Para sa akin, may magandang kabayaran ang mabubuting gawa. Kaya hindi dapat tayo magsawa gumawa ng mabubuti kahit gaano pa kasama ang nakikita natin sa ating paligid,” pagbabahagi niya.

Aniya, "ang kuwento na ito ay kuwento ng kabutihan. Sana ay maraming makaalam at matututo sa nangyari. I was humbled by the experience, too. Until now, I can't believe there are still people like her. Salamat, Ate Ghorl, sana magkita tayo ulit."

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!