Inabisuhan ng ilang kumpanya ng langis ang publiko sa inaasahang dagdag na presyo ng kanilang produkto sa susunod na linggo.

Inaasahang madadagdagan ng hanggang P2.60 ang kada litro ng gasolina habang posibleng patungan ng hanggang P2.00 sa kada litro naman ng diesel.

Ito ay resulta ng nakalipas na apat na araw na kalakalan nito sa pandaigdigang merkado.

Matatandaang itinaas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng kanilang gasolina at diesel nitong nakalipas na linggo.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Nauna nang idinahilan ng Department of Energy (DOE) ang mataas na demand ng produkto sa China.