Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si dating Presidential Management Staff (PMS) Secretary Zenaida Angping bilang ambassador sa France.
Sa dokumentong inilabas ng Commission on Appointments (CA), binanggit na kabilang si Angping sa appointees ni Marcos.
Si Angping ay nominado na magingAmbassador Extraordinary and Plenipotentiary to the French Republic.
Binanggit pa sa dokumento na itinalaga si Angping nitong Enero 13 at natanggap ng CA ang nominasyon nitong Enero 17.
Noong Disyembre 2022, nagpaalam si Angping na "magpahinga muna, kasama ang pamilya" at kaagad namang sinang-ayunan ni Marcos.
Betheena Unite at Beth Camia