Kasunod ng patuloy na pambabatikos ng maraming Venezuelan fans sa naging resulta ng Miss Universe 2022, nanawagan na ang first runner-up na si Amanda Dudamel sa kaniyang mga kababayan na galangin ang pagkapanalo ni R’Bonney Gabriel.
Ito ang mababasa sa Instagram story ng Venezuelan beauty queen sa hangaring tigilan na ng kaniyang mga kababayan ang pagputakte sa social media account ng Miss Universe gayundin ang bagong Miss Universe titleholder na si R’Bonney Gabriel.
Matatandaang tinawag na “luto” ng maraming Venezuelan netizens ang pagkapanalo ng Filipina-American na si R’Bonney ng USA.
“To my people who have felt confused about the results, I repeat: This was the triumph God wanted for us,” mababasa sa Instagram post ni Amada kamakailan kalakip ang lawaran nila ni R’Bonney.
Sunod niyang hinikayat ang mga kababayan niya na kagaya ng kanilang pagbubunyi sa kaniyang naging runner-up finish, ganoon din aniya sana ang gawin para sa bagong Miss Universe.
“Just like me. Just like you, she’s a human. She’s a woman after all and she deserves to be respected. She won her new title after many years of hard work to achieve it and I complexly admire her discipline and determination in the pursuit of her dreams. We should all do it as well," pagpapakumbabang saad ani Amanda.
Matapos ang tatlong taong pagsabak sa beauty pageant, sa wakas ay nagbunga rin ang pagpupursige ni R’Bonney para sa prestihiyusong korona.
Parehong fashion designer, si R’Bonney at Amanda ang dalawang final women standing para sa ika-71 edisyon ng Miss Universe.
Sa huli, si R’Bonney ang nagwagi sa korona para sa makasaysayang ikasiyam na korona ng USA matapos ang isang dekada, at bilang kauna-unahang Filipina-American na nagbitbit sa bagong Mouwad “Force for Good” crown.