Wala raw nakikitang mali ang 'sawsawerang' si RR Enriquez sa ginawang pagpahid ni Alex Gonzaga ng icing sa isang waiter sa selebrasyon ng kaarawan nito noong Lunes.
Saad ni RR, madali raw husgahan ang isang tao batay sa nakikita sa social media to the point na nakakalimutan na ang mga nagawa nitong kabutihan o pagtulong sa kapwa.
"It’s sooooo easy to judge someone base on what we saw on social media… Or based on the mistakes na nagawa nya… Sometimes yung kabaitan or tulong na nagawa ng tao nakalimutan na dahil mas gusto mag focus sa mali na nagawa nila," sey niya sa kaniyang Facebook post noong Miyerkules, Enero 18.
Relate rin daw siya sa kakulitan ni Alex.
"Sa totoo lang hindi madali maging komedyante… Ralate ako minsan kay AlexKasi minsan talaga sa sobrang kulit mo at gusto mo magpatawa lang naman, akala mo nakakatawa ka pa, yun pala offensive na sa iba…. But your intension naman is not to harm or mamahiya ng tao," aniya.
"I honestly didn’t see anything wrong sa pag pahid ng cake… Kapag birthday mo you have the right na mag pahid ng cake or worst ikaw ang pahiran at hindi ka pwede magalit. Pero totoo na you can only do that sa mga ka close mo.
"Ang dami din kasi sensitive na tao na pinapalala ang situation. My goodness pero kapag si Alex ang ginawang katatawanan or kaming mga komedyante gawin katatawanan tuwang tuwa kayo. Yes trabaho namin yun and we are paid to do that and yung waiter hindi. Tama naman. But minsan kailangan din natin lawakan ang isip natin hindi lang puro bash," dagdag pa ni RR.
Binigyang-diin din ni RR na bilang komedyante ay mayroon din silang mga spontaneous act na hindi na umano raw sila nakakapag-isip nang tama.
"Alex is also a human being minsan may mga spontaneous act kami nagagawa na hindi na talaga nakakapag isip ng tama basta alam mo para sa sarili mo nakakatawa sya. You don’t know the person personally… Good thing anjan ang husband nya to protect her and tell us kung sino ba si Alex behind closed doors," sey ng online personality.
"I’m sure may bad attitude din yan si Alex pero bakit tayo wala ba!!!!? But as a comedienne we can’t always use the word gusto ko lang magpatawa. Sometimes we need to grow up and mature also. I’m sure matututo na din si Alex kumalma ng konti at uminom muna ng mga gamot bago mag patawa CHAROT.
"I can relate kasi.. Nung nag trending ako sa Busina prank.. Bago ako mag patawa ngayon at mag post nag iisip na ako at umiinom muna ako ng gamot pang pakalma CHAROT," depensa rin niya.
Sa huling bahagi ng post, sinabi niyang tigilan na ang panghuhusga sa aktres.
"But again please stop judging her or us na mga nagkamali dahil lang gusto namin magpatawa at dahil hindi kami nag iisip ng tama. Yung mga basher na yan sure ako sila yung mas masasama ang ugali na feeling perfect na akala mo never nakagawa ng mali sa buhay nila."
Noon ding Miyerkules, nag-sorry na si Alex sa waiter na pinahiran niya ng icing.
“On my birthday, God taught me a hard and important lesson. Humility, kindness and better judgment,” aniya.
“I am truly sorry, Kuya Allan. To my family, I am sorry for causing you pain and embarrassment. I will rise from this a wiser and better person,” dagdag pa niya.
BASAHIN: