Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang 23 taong gulang na aso na si “Spike” mula sa Ohio USA, bilang pinakamatandang aso sa buong mundo nitong Huwebes, Enero 19.

“Say hello to the new oldest dog in the world! 🐶” anang GWR sa kanilang Facebook post.

Ayon sa GWR, nasa 23 taon at 43 araw ang edad ni Spike at itinanghal na pinakamatandang aso sa buong mundo noong Disyembre 7, 2022. Siya ay may sukat na 9 pulgada (22.86 cm) at may timbang na 12.9 pounds (5.85 kg).

Napulot daw si Spike, isang Chihuahua, ng US National na si Rita Kimball sa isang grocery store sa Camden, Ohio, USA ,13 taon na ang nakalilipas. Sampung taon daw noon ang naturang aso.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ayon kay Kimball, nakita nila si Spike na may bakas ng dugo sa leeg dulot ng pagkakakadena o pagkakatali. Sinabi raw sa kaniya ng klerk sa grocery store na tatlong araw na doon ang aso at napapakain lamang ng mga tirang pagkain.

"When we left the store and entered the parking lot, he followed." aniya. "We opened the car door to put our grandson in his car seat, and Spike jumped right in and sat on the seat, as if he knew where we were going. It was meant to be."

Ayon sa GWR, iba’t ibang beterinaryo ang pare-parehong may tantsa na si Spike ay pinanganak sa pagitan ng Hulyo at Nobyembre taong 1999. Pinagbasehan umano nila ang medikal na kondisyon nito kasama na ang kaniyang mga mata at ngipin.

"I believe Spike is still here because after having such a terrible life at first, he makes the best of each day," ani Kimball.