Inaasahang magbubunga ng mas maraming trabaho at magpapalagopa sa ekonomiya ng bansa ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa World Economic Forum sa Davos, Switzerland, ayon sa pahayag ngMalacañang nitong Huwebes ng umaga.

“Asahan niyo po na lalong dadami po ang investments sa ating bansa. Walang tigil po ang pagtatrabaho ni President Bongbong Marcos dito sa Davos at sunud-sunod po ‘yung mga meeting niya para magkaroon po ng additional investment sa ating bansa,” pahayag ni Senator Mark Villar.

“At pag nagkaroon po ng additional investment, siyempre po dadami po ang opportunities sa ating bansa, dadami po ‘yung job opportunities sa ating bansa at lalong aasenso ang ating ekonomiya,” banggit ng senador.

Si Villar ay kabilang sa delegasyon ng Pilipinas na nagtungo sa Switzerland para sa nasabing pagpupulong na sinimulan nitong Enero 16-20.Sa isang hiwalay panayam, sinabi naman niDepartment of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, mahalaga ang pagdalo ni Marcos sa WEF dahil magbubukas ito ng mga oportunidad na hihikayat sa mga foreign investor na mamuhunan sa bansa, partikular na sa infrastructuredevelopment.

National

'Julian' malapit nang maging 'super typhoon'; Signal No. 4, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

“Napaka-importante na pag-usapan ‘yung mga proyekto natin sa imprastraktura, mag-invite tayo ng mga investors and isa nga ito sa mga napag-usapan namin kagabi doon sa isang dinner na nandoon ‘yung CEO ng mga big companies, not only in Asia, but in Europe,” pagdidiin ni Bautista.

Sa pamamagitan aniya ng WEF, maaaring ipagmalaki ng gobyerno ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa matapos maapektuhan ng pandemya ng coronavirus disease 2019.

Idinagdag pa ni Bautista na nakatanggap na ng malaking suporta ang bansa mula kay dating United Kingdom(UK) Prime Minister Tony Blair nang magpahayag na interesado ito sa mga hakbang ng DOTr, lalo na sa mgarailway project.