Kinabiliban ng mga netizen ang ibinahaging artwork ni Danica Sanciangco, 30, mula sa Bulacan, tampok ang kaniyang paboritong anime characters nitong Huwebes, Enero 19.

Sa panayam ng Balita Online, ikinuwento ni Danica na bata pa lamang siya ay mahilig na siya sa arts. Apat na taong gulang siya nang magsimula siyang gumuhit.

Dahil sa abala rin sa kaniyang trabaho sa bilang accountant, inaabot daw si Danica ng ilang araw para matapos ang isang obra.

“Nagdo-drawing lang ako ‘pag may libreng time after ng work. Kumbaga artist for fun lang ako. Libangan ko lang po mag-drawing,” aniya.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

“Kakaibang self-fulfillment ‘yung nararamdaman ko tuwing makakatapos ng isang artwork. ‘Yung tipong ‘pag nakatapos ako ng isa, gusto ko lagi kong nakikita ‘yung gawa ko na ‘yun at ayaw kong maalis sa paningin ko,” dagdag pa niya.

Sa kanilang pamilya ay dalawa raw sila ng kaniyang pinsan ang “artist by heart” dahil sa hilig nila sa pagguhit.

Bagama’t hindi niya tinitinda ang kaniyang artworks, open naman daw si Danica sa mga nais magpagawa sa kaniya.

Samantala, iba’t ibang komento ng paghanga ang sigaw ng mga netizen sa post ni Danica sa Facebook group na ‘Kalma, Artist Tayo’.

“You just define what talent is. Awesome! 👏” komento ng isang netizen.

“Bro knows something we don't 🥶✨” wika naman ng isa.

“Hirap isipin kung paano ginawa. Ang lupet👏👏,” komento pa ng isang netizen.

Paghingi ng “tutorial” naman ang panawagan sa comment section ilan pang humahangang netizens.