Ika nga "customer is always right," ngunit paano kung binastos ng customer ang isang crew, maaari kaya itong ituring bilang paglabag sa batas?
Sa isang TikTok video na inupload nitong Miyerkules, Enero 18, nagbigay ng legal advice si Atty. Chel Diokno hinggil sa mga bastos na customer.
"Paano kung nagtatrabaho ka naman nang maayos tapos binastos ka ng customer? Puwede yang ituring na paglabag sa batas," saad ni Diokno.
"Una, ang pagpapahiya ng tao ay puwedeng ituring na krimen na 'Unjust Vexation' which is any human conduct that causes annoyance, irritation, torment, distress, disturbance, kahit walang physical or material harm na ginawa," paglalahad ng human rights lawyer.
"Pangalawa, maaari rin itong maging sanhi ng civil case for damages sa ilalim ng human relations provision ng Civil Code read articles 19, 20, and 21 ng Civil Code na naglalatag ng basic principles para sa tamang pagtrato ng kapwa tao," aniya pa.
"Sa madaling salita, 'respeto.' Always treat others with respect. at huwag i-expose 'yung iba sa unnecessary ridicule, shame at indignity."