Marami ang naantig sa ibinahagi ng netizen na si SG Jernigan tampok ang larawan ng kasintahan niyang si Sarah Jane Gonora na natutulog habang nakapalibot sa kaniya ang kaniyang mga aso na pawang natutulog din.

“We just sleep in the street before 😓🥺😴, but that was before, not anymore ✌️💜🥰,” caption ng naturang post sa na tila ang mga asong tulog ang siyang nagsasalita.

Sa eksklusibong panayam sa Balita Online, ibinahagi ni Sarah na ang pagmamahal at malasakit niya sa mga aso sa kalsada ang nag-udyok sa kaniyang patuluyin ang mga ito sa kaniyang tahanan.

“I see how helpless they’ve been when they’re in the street. I don’t want to see them again like that,” aniya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Unang nagdesisyong mag-ampon o kumupkop ng mga aso sa kalsada si Sarah taong 2020 nang makita niya ang isang tuta na puno ng galis at tila mamamatay na.

“Iniyakan ko ‘yan sa city vet ng kabilang lungsod kasi mahal pala magpa-vet ng private. Wala akong pera. Natakot ako baka mamatay kaya nagmakaawa ako para mabigyan siya ng gamot,” kuwento ni Sarah. “Akala ko mamamatay na pero lumaking super smart. Parang bata ‘yan, marunong kumuha ng pinggan at manghingi ng tubig pag kumain.”

Sa ngayon umabot na raw sa bente ang mga asong kinupkop ni Sarah.

“I cry everytime I see helpless dogs, kaya sila dumami. Umabot sa punto na minsan wala na akong makain. Anak ko na lang at sila, pero never kong naisip na ibalik sila sa kalsada,” aniya.

Samantala, umani na ng mahigit 2,100 reactions at 47 shares ang ibinahaging post ni SG, habang samut-saring mga komento rin ang natanggap nito.

“Most awesome image I have checked this morning..” komento ng isang netizen.

“Yung ‘di ka na makaunat dahil ang dami na nila sa higaan pero ayos lang 😍😍😍 I feel you po 😁😁 I have 7 dogs and 5 newborn puppies 😁😁” bahagi naman ng isa pang netizen.

“Daming guards. Wala nang magtatangkang pumasok na magnanakaw,” pagbibiro naman ng isa.

“God blessed and will continue to bless you for having such a good heart ❤️

“Salamat po sa pag-rescue. God Bless!”