Umabot sa 42 aftershocks ang itinala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa probinsya ng Davao Occidental nitong Miyerkules, Enero 18, matapos itong yanigin ng magnitude 7.3 na lindol.

Ngunit ayon sa NDRRMC, wala namang pinsalang naidulot at hindi naramdaman ang nasabing mga pagyanig dahil naiulat ang lokasyon nito sa katubigan na malayo sa baybayin ng Davao Occidental.

Matatandaang niyanig ng magnitude 7.3 na lindol ang nasabing probinsya nitong Miyerkules, Enero 18, bandang 2:06 ng hapon. Namataan ito sa layong 352 kilometro timog-silangan ng bayan ng Sarangani na may lalim na 64 kilometro.

Kahit pa malakas ang magnitude ng nasabing lindol, wala ring naiulat na nasaktan o napinsala dahil sa lokasyon at lalim nito.

Kabahayan sa Isla Puting Bato sa Tondo, tinutupok ng apoy

Naramdaman din ang lindol sa probinsya ng North Sulawesi sa Indonesia.