Pinalaya pansamantala sa Taguig City Jail ang dating chief of staff ni dating Senator at ngayo'y Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na si Gigi Reyes.

Sa pahayag ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), nakalaya si Reyes dakong 6:30 ng gabi nitong Huwebes.

Napilitang palayain sa pagkakakulong si Reyes kasunod na rin ng pag-apruba ng Korte Suprema sa kanyang petition for writ of habeas corpus na kumukuwestiyonsa tagal ng pagkakapiit nito kaugnay ng kinakaharap na kasong plunder.

Halos siyam na taon si Reyes sa piitan mula nang mapiit ito noong Hulyo 9, 2014.

National

Atty. Kaufman, pinuri pag-imbestiga ni Sen. Imee sa pag-aresto kay FPRRD

Paliwanag ng kataas-taasang hukuman, hindi maiiwasang palayain si Reyes dahil na rin sa matagal na pagdinig sa kaso.

Nag-ugat ang kaso nang akusahan si Enrile, Reyes at iba pang akusado na nagkamal ngP172.8 milyongkickback mula2004 hanggang 2010 sa pamamagitan ng mganon-government organization (NGO) na pag-aari ng dating negosyanteng si Janet Napoles.

Noong Agosto 2015, pinagpiyansa ng hukuman si Enrile habang naka-hospital arrest dahil sa makataong dahilan.

Kaugnay nito, inatasan naman ng Supreme Court si Reyes na may planong lumabas ng bansa at mag-report ito sa korte pag-uwi nito sa Pilipinas.