Sinimulan nang ipatupad ngSocial Security System (SSS) ang pagtaas ng kontribusyon ng mga miyembro sa kabila ng panawagan ng ilang grupo ng mga negosyante na suspendihin muna ang implementasyon nito dahil sa inflation.
Sa abiso ng SSS nitong Huwebes, ipinaiiral na nito ang 14 porsyentong contribution rate mula sa dating 13 porsyento nitong nakaraang taon.
“Under the new contribution rate, employers will shoulder the one percent increase, which means their contribution will now be at 9.5 percent. The remaining 4.5 percent will be deducted from the employee,” pahayag ng SSS.
Idinahilan ng ahensya ang mga probisyon ngRepublic Act of RA 11199 na nag-uutos ng mataas na kontribusyon upang mapanatili ang katatagan ng naturang state-run pension fund.
Matatandaangumapela sa SSS ang ilang business group na huwag munang ipatupad ang contribution rate increase dulot na rin ng epekto ng inflation o pagtaas sa pangkalahatang antas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.