Pinuri at labis na pinasalamatan ni Manila Mayor Honey Lacuna ang Chinese-Filipino community sa lungsod bunsod nang patuloy na suporta nito sa pamahalaang lungsod, lalo na noong kasagsagan ng pandemya ng Covid-19.

Paniniguro pa ni Lacuna, ipagkakaloob niya ang lahat ng kailangang tulong ng mga Chinoy maging ito man ay dito na nakatira sa bansa, nagnenegosyo sa Maynila o turista. 

Kaugnay nito, inanyayahan rin ng alkalde ang lahat ng mga Chinoy na makiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year o Year of the Water Rabbit dahil maraming nakalinyang gawain para sa nasabing taunang selebrasyon.Inisa-isa rin ng alkalde ang mga nakalatag nilang aktibidad kaugnay ng selebrasyon ng Chinese New Year, sa pakikipagtulungan at koordinasyon Chinese-Filipino community at Manila City Government.

Ayon kay Lacuna, mula Enero 19 hanggang 22, magkakaroon ng Chinatown Food Festival saPlaza Lorenzo Ruiz, ganap na alas-10:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Sa Enero 21 naman, gaganapin ang Chinese New Year Countdown at Grand Fireworks Display sa Filipino-Chinese Friendship Bridge sa Intramuros, ganap na alas-11:00 ng gabi, habang sa Enero 22, na mismong Chinese New Year, gaganapin ang Dragon Boat Competition na magsisimula sa Birch Tree Plaza ganap na alas-8:00 ng umaga.

Pagsapit naman ng alas-2:00 ng hapon ay gaganapin naman ang 'Solidarity Parade' na magsisimula sa Post Office.

Nabatid na magtatapos ang isang buong araw na gawain sa pamamagitan ng Huaxing Arts Group Chinese Cultural Show sa Plaza Lorenzo Ruiz ganap na alas- 6:00 ng gabi.