Kaya mo kayang talikuran ang kayamanan upang pasukin pagmomonghe? Ito ang ginawa ng isang walong taong gulang na babae mula sa India matapos yakapin ang pagiging monghe kaysa pamahalaan ang isang diamond-making company ng kanilang pamilya.
Si Devanshi Sanghvi, hanggang sa linggong ito ay isang tagapagmana ng "Sanghvi and Sons," kompanya na gumagawa ng mga alahas sa kanlurang lungsod ng Surat, na kilala sa lugar bilang Diamond City para sa katanyagan nito sa pandaigdigang kalakalan ng mamahaling bato.
Sa ulat ng ICRA, isang Indian credit rating agency, ang Sanghvi and Sons, na itinatag noong 1981, ay may net worth na 5bn rupees o $61 milyong dolyar.
Ngunit sa edad na walo, si Devanshi, ang nakatatanda sa dalawang anak ni Dhanesh at Ami, ay lumahok sa 367 diksha, isang ritwal sa pagsisimula ng isang layko ng guro ng isang relihiyosong grupo—isang kaganapan na humahantong sa kanyang desisyon na maging monghe.
Hindi tulad ng pangkaraniwang mga bata, ayon sa panayam sa "Times of India" sa isa sa mga kaibigan ng pamilya Sanghvi, si Devanshi ay Hindi siya kailanman nanood ng TV at pelikula, o nakapunta sa isang restaurant.
Ayon sa mga local media, sa linggong ito, siya ay pinasiyahan sa isang apat na araw na seremonya upang ipahayag ang kanyang bagong bokasyon.
Hindi na rin ikakagulat ng publiko ang desisyong ito ni Devanshi dahil ang kanilang pamilya ay miyembro ng "Jain," isang grupo ng mga mananampalataya na galing sa isang maliit ngunit sinaunang relihiyon ng India na nangangaral nang walang dahas, mahigpit na vegetarianism, at pagmamahal sa lahat ng nilalang na malaki at maliit.
Ayon pa sa isang kaibigan ng pamilya Sanghvi, si Devanshi ay taimtim na tumatalima sa gawi ng panalangin tatlong beses sa isang araw.
Ilan pa sa mga ulat ay dumating siya sa isang templo nitong Enero 18, upang ipagpalit ang kanyang mga magagarang kasuotan sa isang simpleng puting cotton outfit, matapos niyang ipagupit ang kaniyang buhok.