Ibinalik na sa Level 0 ang alert status ng Bulusan Volcano matapos itong bumalik sa normal na kondisyon, ayon sa pahayag ng PhilippineInstitute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Miyerkules.
“This serves as notice for the lowering of the alert status of Bulusan Volcano from Alert Level 1 (low-level unrest) to Alert Level 0 (normal),” bahagi ng abiso ng ahensya.
Ibinaba ng Phivolcs ang alert status ng bulkan dahil sa pagbabalik sanormal ngbinabantayang pamantayang kinabibilangan ng volcanic earthquake activity, ground deformation, gas emission, at visual observation ng tuktok nito.
Itinaas sa Level 1 angalert status ng bulkan noong Oktubre 12, 2022 matapos magkaroon ng sunud-sunod na pagyanig.