Habang wala pang opisyal na pahayag ang online star at TV personality na si Alex Gonzaga ukol sa kontrobersyal na viral video, isang pirmadong sulat ng nasangkot na waiter na si Allan Crisostomo ang lumitaw ngayong gabi ng Miyerkules.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, kalakip ang larawan ng aktres kasama ang nasabing waiter, tila pagkuukumpirma ito na nabigyan na ng resolusyon ang dalawang panig.

Larawan mula ABS-CBN

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

“Last January 17, 2023 around 6:30 pm nasa work po ‘ko, pumunta po si Ma’am Alex kung saan po ako nagwo-work then nag-apologize and nag-sorry siya saken tapos konting kwentuhan at sinabi ko po sa kanya na ok na po yung nangyari. OK na po kami,” mababasa sa liham na sinulat ngayong Miyerkules.

Larawan mula ABS-CBN

Matatandaang nauna nang dinepensahan ng isang kaibigan ng mga Gonzaga ang insidente at iginiit na kaibigan at kabiruan na ng pamilya ang sangkot na waiter.

Basahin: Kaibigan ng pamilya Gonzaga, dinepensahan si Alex; may nilinaw tungkol sa server – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tila nahuli naman ito matapos tadtarin na ng pambabatikos at pagkondena kay Alex na inilarawan pang “bastos’ ng maraming netizens.

Basahin: Alex G, trending matapos umano’y ‘mambastos’ sa isang server sa kaniyang b-day paandar – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, kasunod ng pirmadong sulat ng waiter ngayong Miyerkules, sari-sari pa ring reaksyon mula sa netizens ang inani muli ng pamilya Gonzaga.

Ilan sa kanila ang hindi rin natuwa na ang waiter pa ang nagsulat para magsalita ukol sa kontrobersya.

“Edi lumabas din ang katotohanan na hindi talaga totally sila magkakilala in person at magkaclose na laging bukang bibig ng mga supporter ni Alex... Hindi mo masasabing OA yung pagcall out sa kaniya para sayo baka wala lng yun pero darating ang arawkapag naranasan mo ung ganoong pangyayari sayo kahit pa sabihing katuwaan lng mapapahiya ka talaga bigla,” litany ng isang netizen sa post ng Facebook page na CinemaBravo.

“Ahh, family friend pala ah? Kung picture na magkayakap o magkaakbay tapos nakangiti o tawa pareho, papasa pa e. Kaso ba't may pirmahan? Ano yan ipapanotaryo?😂” segunda ng isa pa.

“Bakit po may signature??”

“Go girl! give us nothing🥰

“Damage is done. Nagsilabasan na ang mga testimonies ng past co-workers niya about her attitude. But guess what, they will still be UNBOTHERED. It’s just another Gonzaga day. Bible verses on the upcoming vlogs for sure.”

Basahin: Prod staff ng dating pelikulang pinagbidahan ni Alex Gonzaga, may ibinunyag tungkol sa kaniya – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Baliktad no? Siya pa ang nagsulat na kineclear si Alex. Imbes na makatanggap ng written apology eh siya pa pinagsulat. Walang ebidensiya ng pag amin. Entitled pa din!”

“Taray! May resibo na pala ‘pag nag-sorry😂!