'Parang may matutulog po sa labas ng bahay'

"Masisingled black eye ka gud." Iyan ang sey ng misis ng isang guro matapos niyang ma-ispatan ang kaniyang mister na "nagpapa-mine" sa comment section.

Matapos pabirong mag-ala "match maker" ng social media personality na si Teacher Maureen, nag-comment dito ang Facebook user na si Ypulong Hy.

"T-3, 30 yrs old SINGLED," komento ni Ypulong na may kasama pang larawan nito.

Pinost naman ni Teacher ang screenshot ng komento ni Ypulong upang sana'y hanapan ng "partner."

Politics

Anti-dynasty bill, pasado na sa 2nd reading sa Kamara!

"Sino raw gustong maging "TAKENED" diyan? Si sir eh, SINGLED oh…" caption ni Teacher Maureen.

Dito naman nagkomento ang misis ni Ypulong na si Hazel Adamero Rebay.

"Masisingled black eye ka gud Ypulong Hy," ani Hazel.

"ay sorry , andito ka rin pala??? ???✌️? Labyo!" gulat na reply naman si Ypulong nang makalaboso ito ng sarili niyang misis.