"Pagaling ka idol"

Naospital ang social media star at viral singer na si Jann Anthony Gabutan noong Linggo, Enero 15, dahil sa bihirang kondisyon nito na tinatawag na osteogenesis imperfecta, isang "bone disorder" na hindi nagagamot.

Inupload niya sa kaniyang Facebook page ang kaniyang larawan na naka-oxygen, dahil nahihirapan ito sa paghinga. Ang uploaded photos ay may caption na: "Pagsubok 2023."

Naibahagi rin ni Gabutan na nadiagnosed din siya ng multiple bony deformities and pneumonia sa kanang parte ng kaniyang baga.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Aniya, "Salamat sa prayers, ang aking karamdaman ayon sa doctor, ako ay merong multiple bony deformities at nagkaroon ng pneumonia in the right lung field. Kaya masakit ang aking likod, at inuubo po ako. Sobrang hirap huminga pag-umuubo."

Sa katunayan, nag viral online ang kaniyang pagkanta noong International Day of Persons With Disabilities. Kinanta ni Gabutan habang nakaupo sa upuan ang isang soulful rendition ng Always Remember Us This Way, na pinasikat ni Lady Gaga at isa sa mga soundtrack ng pelikula, A Star is Born.

Umaasa naman ang netizens na sana gumaling at gumaan ang pakiramdam ni Gabutan.

Narito ang komento ng netizens:

"You made a lot of people happy Jann Anthony! Pagaling ka ha?"

"Palakas ka idol!"

"Sending virtual prayers for your healing."

"Keep safe always ah. Get well soon."

"Prayer for your fast recovery. God bless you."

Hindi naman naging hadlang kay Gabutan ang kaniyang kondisyon upang makapaghatid ng saya sa mga netizens.

Matatandaang si Gabutan ay unang sumikat dahil sa kaniyang kakaibang rendition sa kantang "Buwan."

Samantala, wala pang kasunod na update sa kaniyang Facebook page si Gabutan tungkol sa kaniyang kalagayan.