Sa umarangkada nang America’s Got Talent All-Stars Edition, mapapanuod muli ng power dancing couple na “Power Duo” sa world stage.

Ito ang anunsyo nina Cervin at Anjanette sa kanilang Facebook page nitong Miyerkules, Enero 18.

“You can share the big news as we raise our flag,” anang duo.

Nasa ikalawang linggo na ng auditions ang brand new season ng AGT na nagbukas ngayong 2023.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa darating ngang Enero 23, alas-8 ng gabi sa Pilipinas, ang husay ng real-life partner at onstage performer ay masisilayan muli ng mundo.

Mapangahas na saad ng dalawa: “Susubukan po namin ibawi si Celeste Cortesi.”

Matatandaan ang tumatak na duo sa ikalimang season ng Pilipinas Got Talent (PGT) noong 2016.

Sila rin ang kauna-unahang non-singing talent na nagwagi sa sikat na reality talent show sa bansa.

Noong 2019 nang sumabak sa Asia’s Got Talent ang Power Duo at nagtapos sa ikatlong puwesto.

Matapos ang apat na taon, patutunayan muli ng dancing couple ang kanilang world-class talent.

Makakatunggali ng Pinoy talent ang ilang champion sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang ang Dance Town Family ng America’s Got Talent Season 5, Darius Mabsa ng Romania’s Got Talent 2022, Light Balance Kids ng AGT Season 14, Malevo ng America’s Got Talent Season 11, Mini Droids ng Belgium’s Got Talent 2021 at Victoria Bueno ng Das Supertalent (Germany) 2021.