Sa isang pahayag, sinabi ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na malugod nilang tinatanggap ang pagpapawalang-sala kina Maria Ressa at Rappler Holdings Corp. sa Court of Tax Appeals (CTA).

Naniniwala ang NUJP na ang mga kaso tulad ng kanila Ressa at Rappler ay naglalarawan ng dumaraming paggamit ng batas para sa paghihiganti laban at para sa pananakot laban sa mga mamamahayag.

Gayunpaman, binabati ng unyon ang tagumpay ni Ressa at Rappler kontra sa kasong ibinato sa kanila.

"While colleagues similarly face legal challenges -- from libel to made-up terrorism charges -- in relation to their work, we take inspiration from this acquittal that if we stand up and hold the line, we can win," pahayag ng NUJP.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Larawan: NUJP

“Failure of the prosecution to prove the guilt beyond reasonable doubt.”

Iyan ang desisyon ng Unang Dibisyon ng Tax Court, pabor sa napawalang-sala na si Ressa at kompanya nito.

Ang kaso ay isinampa noong 2018 ng Department of Justice (DOJ) dahil sa kabiguan nina Ressa at Rappler na magdeklara ng P162.41-million na tubo mula sa pag-iisyu ng Philippine Depositary Receipts (PDRs) noong 2015.