Iniulat ng independent monitoring group na OCTA Research nitong Miyerkules na naitala na lamang sa 2.6% ang seven-day positivity rate ng bansa.
Sa datos ng Department of Health (DOH) na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na naitala ang 2.6% nationwide positivity rate nitong Enero 17, 2023.
Bahagya itong mas mataas kumpara sa 2.4% nationwide positivity rate na naitala noong Enero 16, 2023.
Samantala, nabatid na nakapagtala rin ang DOH ng 196 bagongCovid-19cases nitong Enero 17, 2023 kaya’t umabot na sa 4,070,675 ang totalCovid-19cases sa bansa.
Sa naturang bilang, 11,342 na lamang ang aktibong kaso.
Mayroon namang apat na pasyente ang namatay dahil sa virus sa nasabing petsa, kaya’t ang totalCovid-19death toll ng bansa ay nasa 65,618 na.
Ang totalCovid-19recoveries naman ng bansa ay nasa 3,993,715 na matapos na madagdagan pa ng 582.
Samantala, base naman sa projection ni David, maaaring makapagtala ang Pilipinas ng 150 hanggang 250 bagong kaso ng sakit nitong Enero 18, 2023.
“Jan 17 2023 DOH reported 196 new cases 4 deaths (0 in NCR) 582 recoveries 11342 active cases. 2.6% nationwide positivity rate. 73 cases in NCR. Projecting 150-250 new cases on 1.18.23,” tweet pa ni David.