Tatlo pang bagong opisyal ng pamahalaan na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang nanumpa na sa kani-kanilang tungkulin, ayon sa Malacañang.
Sa Facebook post ng Presidential Communications Office (PCO) nitong Miyerkules, makikita sa larawan si Executive Secretary Lucas Bersamin habang pinapangasiwaan ang seremonya.
Pinanumpa nito sa puwesto sina National Food Authority (NFA) Council Acting Administrator, Member Roderico Rayo Bioco, Government Service Insurance System (GSIS) Board of Trustees Acting Member Rita Espina Riddle, at Intramuros Administration (IA) Department of Tourism Administrator Joan Masilang Padilla.
Si Bersamin ang nagpanumpa sa tatlong bagong opisyal dahil wala si Marcos na kasalukuyang nasa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.