Nakatakdang magdaos ang Manila City government ng kakaibang fireworks display para sa mga Manilenyo kaugnay ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Miyerkules na gagawin ito sa  newly-built Filipino-Chinese Friendship Bridge o Binondo–Intramuros Bridge, isang tied-arch bridge na matatagpuan sa Pasig River at nagkokonekta sa  Muelle de Binondo sa Binondo at sa San Nicolas sa Solana St., at Riverside Drive sa Intramuros.

Kasabay nito, pinasalamatan din niya si City Administrator Bernie Ang dahil sa nakuhang suporta nito mula sa Chinese-Filipinos na siyang nag-isponsor ng fireworks display na masasaksihan sa Jones Bridge sa bisperas ng Chinese New Year.

Tiniyak pa ng alkalde na mas marami pang aasahan ang mga residente sa bisperas ng Chinese New Year na natapat sa Enero 21 habang ang Chinese New Year naman ay sa Enero 22.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Ani Lacuna, bilang paghahanda sa nalalapit na selebrasyon ng mga Chinese-Filipinos sa Maynila, nagdaos na sila ng serye ng mga pagpupulong kasama ang mga concerned agencies at departments nitong mga nakaraang araw.

Ayon pa kay Lacuna, mas maraming aktibidad ang nakalinya ngayong taong ito dahil sa pag-aalis ng ilang mga restriksyon kontra Covid-19.