Inaasahang tataas pa ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 matapos na walang makapag-uwi sa₱71.8 milyong jackpot prize nito sa lotto draw na isinagawa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Batay sa inilabas ng jackpot estimates ng PCSO, nabatid na maaaring umabot na sa mahigit₱77.5 milyon ang jackpot prize ng SuperLotto 6/49 sa susunod na bola sa Huwebes.

Hindi kasi umano napanalunan ang six-digit combination nito na 19-24-03-18-33-49 at may katumbas na jackpot prize na₱71,834,626.40.

Mayroon namang 28 mananaya ang nakapag-uwi ng tig-₱50,000 na second prize para sa nahulaang tig-limang tamang numero.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Samantala, ang jackpot prize ng UltraLotto 6/58 ay inaasahang mananatili sa₱49.5 milyon sa susunod na bola nito sa Biyernes matapos na walang makatama sa six-digit winning combination nito na 45-32-30-34-27-39 na binola rin nitong Martes ng gabi.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo habang ang UltraLotto 6/58 ay binobola naman tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Una nang hinikayat ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games dahil ang malaking bahagi ng kita nito ay inilalaan nila sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan.