Sabik nang maglaro sa Gilas Pilipinas si naturalized player Justin Brownlee kahit pa backup lang ni National Basketball Association (NBA) star Jordan Clarkson.
Sinabi ni Ginebra head coach Tim Cone, naghahanda na nang husto si Brownlee sa pagsabak sa 6th window ng 2023 FIBA Asian Qualifiers.
“I know he’s so excited about that. Again, I want to emphasize, he understands that he is the backup to Jordan Clarkson," sabi ni Cone.
"But Justin is just so happy and honored for the opportunity to represent the country and to play. So, to me, this is not the end for him. Winning tonight, this is just still the beginning for him.The journey’s still ongoing for Justin. This isn’t an end for him.He’sgoing toa whole new level — play internationally, play for the national team," sabi ni Cone sa panayam sa telebisyon ilang minuto matapos kamkamin ng Gin Kings ang kampeonato sa PBA Commissioner's Cup laban sa guest team Bay Area Dragons sa Philippine Arena sa Bulacan, nitong Linggo, Enero 15.
Nagsimulang sumikat si Brownlee nang ipamalas nito ang buzzer-beating triple sa Game ng 2016 Governors' Cup na nagbigay ng kampeonatosa Ginebra laban sa Meralco Bolts.
Sasagupain ng Gilas Pilipinas ang Lebanon sa Philippine Arena sa Pebrero 24, at Jordan sa Pebrero 27 sa nasabi ring venue.