Pasabuy? Anang isang kilalang online page, from hugotera ay tila bitbitera na ang role ngayon ni Moira Dela Torre sa kaniyang fans.

Ito ang laugh trip at viral na tagpo ng isang netizen na nakabase sa Middle East na nagpapasabay nga sa singer ng sikat na danggit sa banyagang bansa.

Bahagi kasi ng world tour ni Moira ngayong taon ang Qatar na gaganapin sa Pebrero 10 sa Asian Town, Amphitheater.

“Manunood po ako ng concert mo sa Qatar. Pwede pasabay po ng danggit? Bayaran q dito,” nakakaaliw at tila oportunista nang sey ng isang Facebook account sa nahuling tagpo ng Facebook page na Kapamilya Online World.

Human-Interest

Batang nag-concert sa evacuation center, kinagiliwan!

“Hanep,” sey na lang ni Moira.

Mindset ba mindset! Good vibes ang hatid ng interaksyon na lalo pang ginatungan ng iba pang netizens.

“Sabihin mo Moi swap tayo ng sibuyas,” mungkahi ng pilyang netizen sa singer.

“Uy malay natin magdala nga siya.”

Pagbabahagi pa ng isa, mas mahal kasi umano ang presyo ng danggit sa Qatar kaya hindi kataka-taka ang nakakaaliw at pabirong modus ng netizen.

“Galing na ako diyan, jusko ginto rin naman ang bilihin. Moira, ipagpadala muna,” nakakarelate at nakakaaliw na saad ng isa pang Facebook user.

“Nautusan pa nga!”

“Wala lang daw yang hugot-hugot mo kay kuya. Magdala ka danggit!”

Samantala, uumpisahan ni Moira ang kaniyang world tour sa Pebrero 3, kung saan una siyang magtatanghal para sa Pinoy fans sa Araneta Coliseum.

Basahin: Moira Dela Torre, reyna pa rin ng OPM sa Spotify ngayong 2022 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Wala pa ring nakatitibag na female artist sa trono ng singer-songwriter na si Moira dela Torre sa loob na ng anim na sunod-sunod na taon.

Ito’y matapos na muli siyang itanghal ng Spotify Wrapped noong 2022 bilang most streamed Filipina artist.

Ikaapat naman si Moira sa most streamed OPM artists ngayong taon sa pangunguna ni Zack Tabudlo sa unang puwesto, Ben&Ben sa ikalawang puwesto at Arthur Nery sa ikatlong puwesto.

Kasama rin sa listahan sina Adie, ang December Avenue, Nobita, Al James, ang Parokya ni Edgar at Eraserheads.

Maliban pa rito, ang singer-songwriter din ang most followed Filipino artist of all time sa Spotify.