Nangako ang pamunuan ng Police Regional Office sa Northern Mindanao (PRO-10) na sisibakin nila sa serbisyo ang apat na pulis na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga kamakailan.

Sa panayam kay PRO-10 director Brig. Gen. Lawrence Coop nitong Miyerkules, ang apat na pulis ay nakatalaga sa Gingoog City sa Misamis Oriental.

"We recorded this in 2022, and they will also face administrative charges," pahayag ni Coop sa isinagawang pulong balitaan sa Cagayan de Oro City nitong Enero 18.

Karamihan aniya ng kasong administratibo sa rehiyon ay may kaugnayan sa paggamit ng illegal drugs kasunod na rin ng random drug test sa mga pulis nito.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Tuluy-tuloy aniya ang isinasagawang drug testing ngayong taon upang matanggal sa kanilang hanay ang mga pulis na drug addict.

Philippine News Agency