Ni-relieve ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang dalawang frontline officer dahil sa umano'y pagkakasangkot sa human trafficking.
Pansamantalang itinago ni Tansingco ang mga pangalan ng dalawa habang nakabinbin ang resulta ng imbestigasyon, ngunit sinabing ang isa sa kanila ay nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport at ang isa sa Clark International Airport sa Pampanga.
“We are now initiating an investigation and if there is indeed probable cause, we shall file the appropriate case before the Department of Justice (DOJ),” ani Tansingco.
“While imposing penalties would depend on the result of the investigation, I am relieving them from frontline duty to ensure unbiased investigation,” dagdag niya.
Nagbabala si Tansingco na hindi siya magdadalawang-isip na magsampa ng mga kasong administratibo at kriminal laban sa mga immigration personnel na sangkot sa mga ilegal na aktibidad.
Jun Ramirez