Dahil nga sa krisis ng sibuyas sa bansa, kaniya-kaniyang diskarte na ang lahat para makatipid. Tila hindi naman nagustuhan ng Bureau of Customs ang paraan ng nasa sampung flight attendant kamakailan na ang pamamalengke, umabot na sa Middle East!

Sa isang pahayag kamakailan ng BOC, dalawang magkahiwalay na flights partikular ang Flight PR655 mula Riyadh, at Flight PR659 ang napag-alamang lulan ng ilang kilong hindi deklaradong gulay at prutas. Ang may pakana, nasa sampung flight crew ng kompanyang Philippine Airlines.

Dahil sa kawalan ng kaukulang dokumento kagaya ng permit at clearance mula Bureau of Plant Industry na nakasaad anang BOC sa Customs Modernization and Tariff Act, ang nasabing mga produkto ay napurnada nga paglapag ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Enero 10.

Una nang naiulat ang inihahandang potensyal na legal na rekurso para sa nasabing paglabag sa batas kabilang na ang Plant Quarantine Law of 1978.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Further investigation is underway for the charges of Smuggling for violation of the Customs Modernization and Tariff Act and Presidential Decree 1433 for Violation of Plant Quarantine Law by Customs and Bureau of Plant Industry against the 10 flight crew of Philippine Airlines,” anang BOC sa isang pahayag.

Para naman sa bahagi ng PAL, tiniyak nitong tatalima sa proseso at sasailalim ng imbestigasyon ang mga sangkot na crew members base sa patakaran ng goberyno.

Sa huli, naiulat namang walang kaso ang inihain laban sa mga dawit na airline workers maliban na lamang sa naunang pagkumpiska sa mga ipinuslit na produkto para sa kaukulang proseso ng quarantine.

Ani BOC spokesman Arnaldo dela Torre Jr. sa isang ulat, hindi rin maituturing na paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 ang insidente, habang ipinuntong sakop lang nito ang bultuhang dami ng agrikultral na produkto.

Samantala, binatikos naman ng ilang mambabatas at netizens online ang anila’y “double standard” o hindi makatararungan, o patas na sistema ng BOC ukol sa isyu.

"Laki ng issue ng Bureau of Customs dun sa 10 flight crew ng PAL na may uwing prutas at sibuyas samantalang tone-toneladang smuggled na sibuyas at sugar nga nakakapasok sa Pinas," anang isang Twitter user.

https://twitter.com/UsherDaTV/status/1614566390295572481?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1614566390295572481%7Ctwgr%5E4c3fa4da748cdc72df3d3039f5d48aa138ccac89%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.rappler.com%2Fnation%2Ffilipinos-online-reactions-bureau-customs-philippine-airlines-crew-smuggling-onions%2F

"Ewan ko ba talaga sa bansang 'to, double standards," pagtatapos niya.

Sinegundahan pa ito ng isang follower: "BOC gets money from smuggled goods. They don't get money from individuals carrying such goods. It's all about the money for BOC."

"Etong mga ilan kilo na nasabat na sibuyas at gulay mula sa cabin crew ng PAL, frontline sa news at naka broadcast pa talaga. PERO ANG SOBRANG TALAMAK NA IMPORTASYON NG SMUGGLED GOODS AND AGRI PRODUCTS SA CUSTOM WALA PA DING NAHUHULI NA BIGTIME IMPORTER MALAYA SILA, NGUNIT ANG ORDINARYONG TAO, KAWAWA NA TIMBOG AGAD. HAYYYYYYYY. PANG SMALL TIME LANG BA???" mababasa sa isang dismayadong public post ng isang Facebook user kamakailan.

Ganito rin ang saloobin ng senador na si JV Ejercito na ipinahayag ang pagkadismaya sa isang Twitter post: "40kg of fruits & onions divided by 10 PAL Crew is only 4kg each. Most likely for personal consumption. Tapos mga big time Agri smugglers ilang container ang nailulusot araw-araw! Wow naman! Wag kami!" aniya noong Linggo.

https://twitter.com/jvejercito/status/1614534523454377984?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1614534523454377984%7Ctwgr%5E4c3fa4da748cdc72df3d3039f5d48aa138ccac89%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fwww.rappler.com%2Fnation%2Ffilipinos-online-reactions-bureau-customs-philippine-airlines-crew-smuggling-onions%2F

Ganito rin ang posisyon ng kapwa mambabatas na si Raffy Tulfo na hindi nagustuhan ang pamamahiya aniya ng BOC sa mga crew member na ang instensyon lamang sa pagbitbit ng mga produkto ay bilang isang "pasalubong."

Matatandaan ang paglobo ng presyo ng sibuyas sa bansa na umabot na ng nasa P720 bawat kilo noong kasagsagan ng Kapaskuhan at holiday season.

Bilang tugon sa krisis, nauna nang napiling paraan ng gobyerno ang pag-angkat sa nasa 20,000 metric tons na sibuyas para maibsan ang pagsirit ng presyo nito sa merkado.