Inihain ni Senador Raffy Tulfo ang Senate Bill No. 1651 na naglalayong ilipat sa araw ng Lunes ang mga holiday na matatapat sa Sabado o Linggo upang magkaroon ng long weekends sa buong taon.

Aamyendahan ng panukalang batas na ito ang RA No. 9492 o ang Holiday Economics Law.

“Holidays are integral in order to honor and commemorate special events or traditions with cultural or religious significance,” ani Tulfo. “The Philippines celebrates 18 national holidays annually, four of which are considered ‘special non-working holidays.’ These aforementioned days may at times fall on a weekend making them feel less celebratory for individuals.”

Dagdag pa ni Tulfo, palalakasin ng naturang panukalang batas ang domestic tourism ng bansa, at magbibigay rin ito ng ‘work-life balance’ sa mga manggagawa at estudyante.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Iminumungkahi rin ng panukalang batas na maglabas ang Pangulo tuwing unang araw ng Lunes ng Disyembre ng proklamasyon na naglalaman ng mga petsa ng idedeklarang non-working day sa susunod na taon.

Matatandaang nilagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang RA No. 9492 na naglalayong ilipat sa pinakamalapit na Lunes ang regular at special holidays upang lumakas ang dometic tourism sa bansa.

Nahinto ito noong termino ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa pamamagitan ng paglabas ng Proclamation No. 84.

Mary Joy Salcedo