Isinailalim sa sa state of calamity ng Sangguniang Panlalawigan ang probinsya ng Samar nitong Martes, Enero 17 dahil sa pinsalang dulot ng low pressure area (LPA) at shearline nitong nakaraang linggo. 

Batay ito sa Resolution No. 17-206-23 na pinasa ng nasabing sanggunian.

Ayon sa mga ulat, tinatayang 214,160 mga indibidwal o 27 porsyento ng kabuuang populasyon sa probinsya ang sinalanta ng pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng mabibigat na pag-ulan sa 256 barangay sa lalawigan.

Samantala, dalawang LPA pa rin ang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaninang alas-tres ng hapon malapit sa Homonhon Island, Eastern Samar, at Puerto Princesa City, Palawan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Mary Joy Salcedo