Isang pulis ang inaresto ng mga awtoridad matapos na umano'y bentahan ng shabu ang isang kabaro, sa isang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila nitong Lunes ng gabi.

Ang suspek na si PSSg Ed Dyson Banaag, 34,nakatalaga sa Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) sa Camp Crame at residente ngTramo St., Brgy. San Isidro, Pasay City, ay inaresto nang pinagsanib na puwersa ng Manila Police District (MPD), National Capital Region Police Office (NCRPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Base sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi nang maaresto ang suspek sa buy-bust na ikinasa sa Rizal Avenue, kanto ng Lope de Vega St. Sa Sta.Cruz.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa umano'y ilegal na aktibidad ng suspek kaya't isinailalim ito sa surveillance at malaunan ay tinarget sa buy-bust operation.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at kaagad na inaresto ang suspek nang magpositibo ang kanilang transaksiyon.

Nakumpiska mula sa suspek ang ang isang plastic sachet na naglalaman nang mahigit sa 25 gramo ng shabu, na may market value na P47,000; boodle money na may orihinal na P1,000 , 9mm service firearms at NMax motorcycle.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng NCRPO-RDEU, at mahaharap sa kasong administratibo at paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa piskalya.