Nakauwi na sa kani-kanilang mga pamilya ang magkasintahang Dyan Gumanao at Armand Dayoha matapos ang ilang araw na pagkawala, ayon sa isinagawang press conference kahapon ng Lunes, Enero 16.

Kuwento ng isa sa malalapit sa magkasintahan na si "Mary Rose Ampoon" sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Enero 14, dakong 8:10 ng umaga noong Enero 10, 2023 ay nakapag-text pa raw si Dyan sa kaniyang kapatid na lalaki, na dumaong na sa pier sa Cebu ang kanilang barkong sinakyan. Ang tinukoy na barko ay "𝗠𝗩 𝟮𝗚𝗢 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔 𝗖𝗗𝗢 - 𝗖𝗘𝗕𝗨".

"It was the last anyone’s heard from her," ani Mary Rose.

Magpapakasal na umano ang magkasintahan sa Mayo 2023 kaya bumiyahe sila upang hingin ang basbas ng pamilya.

Magkasintahang community workers, ilang araw nang nawawala; kaibigan, nanawagan na

"She and Armand just came from her hometown in Mindanao, asking for the family’s blessing to get married in May 2023.

As a couple, their contribution to the workers’ movement, community development, culture, and art in Cebu is unparalleled.

As friends and mentors, they’ve raised, influenced, and supported generations of healthcare, climate change, workers’ and human rights advocates—their individual greatness and shared love a beacon of light to everyone fighting to change a country that’s already been doomed hopeless by many."

"It’s been THREE DAYS since they went missing."

Sa puntong ito ay nanawagan na si Mary Rose para mahanap na ang dalawa.

"Let’s help amplify the call to resurface Dyan Gumanao and Armand Dayoha."

"We are looking for 𝗪𝗜𝗧𝗡𝗘𝗦𝗦𝗘𝗦 who may have been on the same trip as Dyan and Armand, or who have seen the couple, or who have connections to higher ups in 2GO Travel Philippine Coastguard Region 7 Philippine National Police Maritime Industry Authority PCR Maritime Cebu to help push this investigation."

"Please. You may be able to save two lives just by taking a few seconds to share to people who travel to CDO - Cebu frequently, or those who have connections to these government agencies."

"We just need more clues on what happened to them and to put more pressure on authorities to investigate their disappearances properly."

Kumalat din ang isang video ng umano'y pagdukot sa dalawa habang nasa Cebu Port, na nakuhanan ng isang concerned netizen.

Nakipagtulungan umano sa negosasyon ang University of the Philippines-Cebu upang makuha ang dalawa. Hindi na idinetalye pa sa press conference ang naging negosasyon.

Naikuwento umano ng magkasintahan na sapilitan silang pinasakay sa isang van, pinosasan, at nilagyan ng piring sa kanilang mga mata. Dinala anila sila isang interrogation room subalit hindi na idinetalye kung ano ang pakay ng mga kumuha sa kanila.

Ayon pa sa ulat, nais umanong panagutin ng mga malalapit sa dalawa ang Cebu Port Authority, Maritime Police of Cebu, Philippine Coast Guard of Central Visayas, at 2GO Group dahil sa kawalan ng sapat na aksiyon sa oras ng pagdukot sa dalawa.

Magfa-file umano ng formal complaint ang magkasintahan katuwang ang Commission on Human Rights (CHR) at National Bureau of Investigation (NBI).

Si Gumanao, na nagtapos ng "cum laude" sa degree na mass communications ay nagtatrabaho bilang Special Support Services Coordinator sa isang non-government organization.

Si Dayoha naman ay kasalukuyang nasa ikaapat na taon ng Bachelor of Fine Arts at kumukuha rin ng BA in Psychology sa UP Cebu. Siya ay community volunteer sa Visayas Human Development Agency.