Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang dalawang low pressure area (LPA) na namataan sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Martes.

Sa ulat ng PAGASA, ang unang LPA na nagpaulan mula pa noong nakaraang Linggo ay namataan sa layong 290 km silangan ng Maasin City. Southern Leyte kaninang alas tres ng madaling araw.

Ang ikalawang LPA naman ay nasa layo nang 125 km West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Ayon sa PAGASA, bagama’t magdudulot ng pag-ulan ang dalawang LPA, parehong mababa ang tiyansang maging bagyo ang mga ito at posibleng malusaw na sa mga susunod na oras.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan ang Bicol Region at Quezon province, habang may pag-ulan ding mararanasan sa Batanes, Cagayan, Apayao, maging sa Metro Manila at ilan pang bahagi ng bansa.

Mary Joy Salcedo