Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang probinsya ng Camarines Norte nitong Martes ng umaga, Enero 17.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol sa 12-kilometro timog-silangan ng Tinaga Island, Vinzons, Camarines Norte sa oras na 5:57 kaninang umaga.
Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V - Mercedes, Camarines Norte
Intensity IV - Guinayangan at Tagkawayan, Quezon
Intensity III - Buenavista at Lopez sa Quezon, maging sa Naga City sa Camarines Sur
Intensity II - Catanauan and San Narciso in Quezon.
Samantala, itinala rin ng instrumento ng Phivolcs ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V - Daet, Camarines Norte
Intensity III - Jose Panganiban, Camarines Norte, City of Iriga at Ragay sa Camarines Sur, at San Roque, Northern Samar;
Intensity II - Alabat, Guinayangan, Gumaca, Infanta, Mauban, at Mulanay sa Quezon, maging sa Pasacao at Pili sa Camarines Sur;
Intensity I - Marikina City, Pasig City, Pulilan sa Bulacan, Calauag sa Quezon, at Taytay sa Rizal.
Hinihikayat ng Phivolcs ang publiko na maging handa sa posibleng aftershocks.
Mary Joy Salcedo