Kinumpirma ng premyadong TV host at tinaguriang “King of Talk” na si Boy Abunda na totoong inimbitahan siya na maging “show commentators” para sa 71st edition ng Miss Universe 2022 na ginanap sa New Orleans, Louisiana, U.S.A.

Sa isang media conference na ginanap nitong nagdaang Sabado, ibinahagi mismo ng "King of Talk" na totoong nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa Miss Universe organization na maging bahagi ng hosting team.

Dagdag din niya na Nobyembre palang ay tinanong siya ng Miss Universe Organization kung interesado ba siyang maging show commentators.

Aniya, ”Yes, I was officially offered to anchor Miss Universe. Pero I think they decided to have an all-female hosting team but the email negotiations started November 1.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Dagdag pa niya, ”The first letter was, 'Would you be interested to be a color commentator?' Ang tawag nila ay color commentator, show commentator or anchoring…'in the Miss Universe 2022 in New Orleans etc. etc.,' sabi ko, 'Are you joking’? Maghuhugas ako ng plato niyo para ipagawa niyo lang sa akin 'yan.”

Ikinuwento ni Tito Boy na kahit excited at interesado siya sa naturang international pageant, hindi niya raw talaga kaya na pagsabay-sabayin ang naunang mga offers at projects nito. Kahit na nanghihinayang siya, tinanggihan niya ito, at umaasa siyang magagawa niya ito sa susunod na kompetisyon. .

“Dumating kami roon sa kontrata, malapit na sana e, until it came to a point when ang dami na naming schedules we’re doing press conferences, we’re doing pictorials and etc. So I have to write it back,” paliwanag ni Tito Boy.

Dagdag pa niya,”Pero dumating ‘yung panahon na hindi ko na talaga kinaya. My letter was, ‘I’d love to do this sometime in the future in the next years or so, etc. etc.”

Samantala, naging hurado naman ang Pinay skin expert na si Olivia Quido-Co at pinili naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray bilang backstage commentator sa prestihyosong international beauty pageant.