UNISAN, Quezon -- Labing-isang saksak ang tumapos sa buhay ng isang 39-anyos na lalaki matapos makipag-inuman sa suspek nitong Martes ng madaling araw, Jan 17 sa Barangay F. De Jesus sa bayang ito.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktima na si Jennifer Basco, isang tricycle driver, at residente ng Barangay Ilayang Cabulihan, habang ang suspek na si Michael Amandy, 36, isang farm caretaker, residente ng Barangay Burgos, kapwa sa bayang ito. Kusang siyang sumuko sa Unisan Police Station.

Bandang alas-4 ng madaling araw, habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nila ang suspek na may layuning pumatay na armado ng maliit na itak ay sinaksak ang biktima na tinamaan ang iba't ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng pulisya.

Dinala ang biktima sa Unisan Medicare Community Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ni Dr. Jusua Gaa, attending physician, dagdag ng ulat.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang suspek upang matukoy ang motibo nito. Inihahanda naman ang reklamong kriminal para sa pagsasampa sa prosecutor’s office.