'ECHO breaks the code!'

Inangkin ng ECHO ang titulo ng M4 World Championship mula sa Blacklist International nang kanilang pigilan ang isang makasaysayang back-to-back matapos makuha ang dominanteng panalo sa score na 4-0, nitong Linggo sa Tennis Indoor Senayan.

Ang ECHO ay pangatlo sa magkakasunod na Filipino team na nanalo sa M-series pagkatapos ng Bren Esports sa M2 at Blacklist International sa M3.

Ang laro ay pinangungunahan ng ECHO sa ilalim ng 15 minuto at agad na bi-nan ang signature hero ng Blacklist na si Estes.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Pinatunayan ng ECHO na sila ang superior team at bumawi laban sa Blacklist International noong Season 10 crown ng Mobile Legends Professional League Philippines noong Oktubre.

“We’re excited to win the championship, but beating Blacklist International makes it even better,” Ani Bennyqt, na nakasungkit ng Finals MVP.

Ang ECHO ay mag-uuwi ng kabuuang $300,000 habang ang Blacklist International ay $120,000.