Usap-usapan ngayon ang namataang imahen ng Sto. Niño sa pormasyon ng mga ulap sa kalangitan ng Cebu City, sa mismong bisperas ng kapistahan nito.

"Edited or not!!"

"Miraculous child formed and showed up earlier! Viva Pit Senyor!!! Senyor Sto. Niño!!" saad sa caption ng Facebook post ni "Roangeli Lastimosa" na mula naman sa isang nagngangalang Pablito Mongas.

Kitang-kita naman sa kalakip na litrato ng post ang tila imahen ng rebulto ng batang Hesus, na binilugan pa.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Kahapon, araw ng Linggo, Enero 15, ipinagdiwang ang pista ng Sto. Niño sa Cebu, Tondo sa Maynila, at Kalibo, Aklan.

Samantala, wala pang pahayag ang Simbahang Katoliko tungkol dito.