Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento sa mga netizen ang video ng isinagawang boodle fight ng mga residente ng Barangay Cabug sa Bacolod sa Negros.

Ibinahagi ng "Digicast Negros" ang video ng masayang boodle fight ng mga residente, na matapos ang countdown ay umatake na sa mga nakahaing pagkain sa dahon ng saging. Marami sa mga netizen ang ginutom at natuwa dahil sa masayang gawaing ito, na tipikal sa mga Pilipino.

Subalit hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng ilang mga netizen ang pag-"Sharon" o pagdakma ng iba sa mga lechon, isinilid sa plastik, at saka umalis. Anila, tila nawala na raw ang diwa ng boodle fight na salo-salong pagkain at hindi na kailangan pang ibalot o iuwi ang mga pagkaing nakahain dito.

Ayon pa sa ulat, marami raw ang nadismaya sa participants dahil naubusan kaagad ng lechon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Narito ang ilan sa mga komento na makikita sa comment section.

"Boodle fight po 'yan hindi balot fight!"

"Hindi naman budol fight yung ginawa nung isa kinuha lahat ng lechon sabay alis… panget kasama sa boodle fight yung ganyan hahaha."

"So shameful, not a good scene to watch at all. They were not eating, there was no fellowship around the table, people carried plastic bags to take home the food."

"Sana sa kaniya-kaniyang bahay na lang sila nag-boodle fight parang gusto nila i-uwi lahat ng pagkain."

"Sharon yarn? Hahaha."