Nagbigay ng reaksiyon at saloobin ang tinaguriang "Queen Sawsawera" na si RR Enriquez tungkol sa trending na post ng isang tinedyer tungkol sa "luxury bag" na regalo sa kaniya ng ama, na humantong sa pambabash sa kaniya ng netizen dahil hindi naman daw luxury brand ang ibinida niya.
Humantong pa ito sa pakikipagkita ng may-ari ng naturang bag sa kaniya upang bigyan siya ng ilang sorpresa.
Ayon sa Facebook post ni RR, hindi naman talaga luxury brand ang binanggit nitong bag, subalit naiiba-iba naman kasi ang depinisyon ng "luxury" depende sa kakayanan ng isang tao.
"Somehow totoo naman kasi talaga that Charles and Keith is not a luxury brand compared to Hermes, Chanel, Louis Vuitton, Christian Dior, Prada etc. Pero sana yung mga basher bago binash yung teenager chineck nyo muna what is her status in life? Luxury based on your financial capacity… Baka kasi for her it’s a luxury brand already because she can’t afford to buy Charles and Keith. And for her Dad to be able to buy that meaning her family "did not have a lot," adding that her father "worked so hard" to earn money. (Yan ang explanation nya)".
Sa puntong ito ay ibinahagi ni RR ang kaniyang karanasan noong bagets pa siya.
"I remember when I was a teenager I can’t afford to buy a 1thousand pesos wallet from Girbaud pero gustong gusto ko sya. Palagi ako napasok sa store na yun when I was a teenager. Finally nung nakabili ako at the age of 18 feeling ko ang yaman ko."
"Parang yung friends ko hindi na daw nila ako mareach kasi naka Girbaud na ako na wallet. Donya na tawag sa akin. And then pataas ng pataas yung level ng brand ng wallet ko until magkaroon ako ng Louis Vuitton wallet and bags and I was like POTEK yung Girbaud pala is ordinary lang. Ordinary because medyo nakaluwag luwag na tayo sa buhay…"
"So you see I guess depende talaga yan sa financial status mo and knowledge kasi once you experience having a luxury items worth 50thousand to 1million peso up, mag kakaroon ka na ng comparison and idea about luxury and ordinary or semi luxury items."
"Like to me Michael Korrs is not Luxury compared to Louis Vuitton or Chanel… Semi luxury lang sya for me. And if naka Michael Korrs ka or Coach yung mga laitera mong friends na naka Chanel at Prada kukutchain ka pa na ay bakit naka Coach lang. Can’t afford ang LV or Chanel? Tsehhhh!!!! Arte nyo! Eh di kayo na mayaman.|
Kaya para kay RR, "But again to some people na ang salary is minimum lang to be honest Coach or Michael Korrs is luxury na for them so hayaan na natin sila… Kasi hindi madali kitain ang pera. And for them to be able na magkaroon nun is sobrang big achievement na for sure…"
"So hayaan na natin if they call it luxury."