Nasawi ang isang 30-anyos na babaeng may kapansanan matapos masunog ang isang residential area sa Maynila nitong Lunes ng madaling araw.

Sa pahayag ng Bureau of Fire Protection (BFP), halos hindi na makilala ang bangkay dahil sa matinding pagkasunog nito.

Dakong 2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa isang residential building sa Matang Tubig, Barangay 197, Tondo.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Willy de Guzman, malaki na ang apoy nang bumalikwas ito kaya agad niyang inalerto ang mga katabing kuwarto, pati na ang kanyang anak na may kapansanan.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Huli na lang niyang nalaman na hindi nakalabas ang kanyang anak sa kuwarto nito.

Nasa 40 pamilya ang naapektuhan ng sunog na tumagal ng kalahating oras.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at halaga ng naabong ari-arian.